Monday, December 7, 2009

Friend

Lahat tayo may kaibigan, ka-grup or kabarkada. Masarap ang may kaibigan kasi may napagsasabihan ka ng problema at nakakasama mo sya sa mga bagay na parehas niyong na-eenjoy. I have a group of friends. 1 year na rin kaming magkakasama, masaya, sabay kumakain at nag-aaral ng Salita ng Diyos. Pero iyong closeness or samahan hindi pa talaga ganoon kasi may mga problema at may hindi ako nagugustuhan. Kaso problema ko hindi ko naman ito masabi sa kanila. Baka kasi hindi magkasundo at puro baka ang na iisip ko. Pero 1 day hindi na talaga kinaya ng pasensya ko, kasi nakakasakit na talaga at hindi na tama. May nasaktan na at nasaktan din ako kaya kailangan ko na gumawa ng action na humingi ng advice sa aking kaibigan at ka dgroup. Nagset ako ng time at date para makapag-usap, para masabi ko sakanya dapat niyang malaman at marinig din ang advice niya sa akin. Sa totoo lang, hindi pa talaga kami gaanong close nitong kaibigan ko na ito pero dahil kailangan ng mag-usap at sa hindi ko alam paano magsimula - we prayed first. After that nag-usap na kami, this is my first time to cry in front of a man. He listen to me, I poured out my problems and pains to him. He listens, he cried and gave me some advice. We embrace each other after we talked. After that, we both can say that we are now close to each other as in close na close. Nawala na rin ang hiyaan namin sa isa't isa. We share our both desire to grow much deeper in God.

Ecclesiastes 4:9-11

9 Two are better than one,
because they have a good return for their work:
10 If one falls down,
his friend can help him up.
But pity the man who falls
and has no one to help him up!

Failed Plan..

Last month, CCF Malolos conducted a Singles Retreat in Antipolo. 1 month before the retreat I am decided na humabol na lang dahil sa schedule ko. I am one of the facilitator of the said retreat, I thought we will have an assistant like the previous retreat, kaya I thought pwede akong humabol. 1 week before the retreat God send His harvest. Dumami ng dumami ang mga participants kasama na dun ang SK. Kala ko talagang pwede ang plano kong humabol, hindi pala. Kaya naman nag-absent na talaga ako from work. Naiba ang plano ko. Noong nasa Antipolo na kami pagbaba ko ng sasakyan napa-WOW ako kasi napakaganda ng place para sa pag-share ng Gospel at pag-aaral ng Salita ng Diyos. Nagstart na ang retreat at natapat sakin ang mga SK kaya naman kinabahan pa akong lalo. Pero hindi dapat ganun, kaya I prayed to God, asked His wisdom and strength to handle the SK youths and to share the Gospel clearly. Noong nagsimula ang break out groups nagkakahiyaan pa pero ng magpakilala na sa isa't isa naging ok na at habang tumatagal naging close na kami. Kahit nga sa pagkain ay sabay-sabay kami. At ang nakakatuwa ay they accepted Jesus as they're Savior and Lord at mas nakilala nila si God ng retreat na un. Sa retreat na iyong I learned a lot of lessons. My decision fails because God has something better. I worried but God change it into joy.

Isaiah 55:9
"As the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways and my thoughts than your thoughts.

Wednesday, November 18, 2009

being chosen....

Every retreat meron magbibigay ng testimony, talagang nakaka-encourage ang buhay nila kung ano sila dati at kung paano sila binago ni God. Sabi ko tuloy sa sarili ko "gusto ko rin na makapagtestimony, na isa ako sa maraming buhay ang nabago dahil kay Jesus. Last June 2009 nagkaroon kami ng singles retreat at lahat ng maghahawak ng group ay required na magpasa ng testimony. Sabi ko "siguro eto na iyong chance ngunit hindi napili ang testimony ko, siguro hindi pa talaga oras at may kulang pa. Next time mapipili rin ako.

Kakatapos lang ulit ng singles retreat ngayong November at bago ang retreat nagpasahan ulit ng testimony. This time isinulat ko lahat kung ano ako at kung ano ang binago sa akin. One day, while working na surprise ako kasi FINALLY napili pala ako mag testimony sa bondage breaker. This is my first time to give my testimony sa maraming tao. After my testimony, my heart is full of joy. Ibang experienced sya, nakakakaba pero super saya naman sa puso na ipagsabi kung gaano kabuti at kagaling ang Diyos. I thank God for really using me as His instrument and I believe God will used my testimony sa ibang singles na nakakarelate, that they will see hope in Jesus na kaya ang pagbabago thru Jesus.

Kaya sa mga binago iyong buhay because of Jesus Christ, share your testimony to others. For God's glory.

John 5:15
The man went away and told the Jews that it was Jesus who had made him well.

Tuesday, November 17, 2009

Being free....

Mabait, friendly at masiyahin. Iyan ang ugali ko, kaya kung saan masaya dun ako sumasama. Lumaki ako sa isang Christian family, every Sunday umaatend kami ng church. I attended Sunday School and different church activities.

One time one of my kuya at church asked me saan ako pupunta pag namatay ako. Sinagot ko siya base sa nalalaman ko but not because of Jesus dahil sa totoo lang ay takot akong mamatay, takot dahil di ko sigurado kung saan ako mapupunta. Puro head knowledge lang ang alam ko about God at hindi ko isinasapuso kung ano man ang natututunan ko. Hanggang sa ipinaliwanag ang tungkol sa God’s way to heaven. Sabi sa John 3:16 "For God so loved the world that He gave His one and only Son, that whoever believes in Him shall not perish but have eternal life. Namatay si Jesus para ako ay maligtas, ganun ako kamahal ng Diyos. Noon din I accepted Jesus Christ as my Lord and Savior .

I was assured na hindi ako dapat matakot sa kamatayan.I continued attending church, reading the bible and more activities. Akala ko OK na, maayos na ang lahat. But my relationship with God changed when I entered highschool. Hindi ko masabi sa mga friends ko na Christian ako, nahihiya kasi ako na baka walang makipagkaibigan sakin at at natatakot na tuksuhin kaya tinago ko ito. Friendly kasi ako kaya hindi ako sanay ng walang kaibigan o kausap. Nagawa ko sumama sa kanila sa pag-inom, paninigarilyo, pagka-cut ng classes at pakikipag relation sa ibat ibang girls. Kahit alam kong mali ito at nasasaktan ko si God, ay ipinagpatuloy ko ito at itinago sa mga kasama ko sa church.

Highschool hanggang college, nagsimula na akong makipag-relasyon. Kapag nawawalan ako ng girlfriend, hindi tumatagal ay naghahanap na ulit ako na maliligawan para maging girlfriend ko. Feeling ko secured ako kapag may girlfriend kasi may nagmamahal sayo at meronng ma-ipagmamalaki sa mga kaibigan mo. Sikat ka kung baga. Nagawa kong manloko ng babae at magsabay ng dalawang girlfriends. Kaya naman ang mga kaibigan at pati professor ko ang tawag sa akin ay chickboy.

Paglalaro naman ng computer games ang bumubuo ng araw ko. Dito ko nilaan ang baon at oras ko. Nagka-cut ako ng class para lang makapaglaro, araw-araw akong nasa computer shop at madalas ay gabi na ako kung umuwi. Boring kapag wala ang mga ito. Ganito ang buhay ko, kapag nasa labas ay babaero at computer game addict, pero pag dating naman sa aming bahay at church isang mabait na Olan ang pinapakita ko.

Sa kabila ng mga ito ay nahihiya ako kay God. Sa pagpapatuloy ko sa mga maling gawain ay unti-unti akong napalayo kay God. Hindi na ako nag-aaral ng mga salita Nya, wala na akong oras na kausapin Sya. Tumingin ako sa buhay ko at nakita kong walang direksyon at walang pupuntahan ang tinatahak ko.

Last year, my tita invited me to attend a CCF singles’ retreat. Di ako nagdalawang isip na sumama dahil nararamdaman kong may kulang at walang purpose ang buhay ko. Maliwanag din sa akin na may gustong ituro sakin si God. Masaya ang retreat na iyon dami ako naging friends at doon naopen ko halos lahat ng problem ko at ang mga pinagdadaanan ko. Sa retreat na iyon nag recommit ako kay God na iiwan ko na talaga ang liko-liko kong buhay at sa tulong Nya ay magbabago na ako. I confessed my sins to God and asked for His forgiveness. Inamin ko na maraming oras, pera at pagmamahal ang nilaan ko sa ibang bagay kaysa Sa Kanya at sa aking pamilya. Nalulong ako sa mga bagay na sa akala ko ay makakapagpasaya sa akin ngunit ang mga ito pala ang makapagpapapigil sa akin upang maramadaman ang tunay na kasiyahan at kapayapaan. God is good all the time, He loves me so much that inspite of my sins, He forgave me and accepted me as I am. Sabi nga sa 1 John 1:9, If we confess our sins, He is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.

This time I really asked God to help me na maging free na ako sa mga bondages ko, binigay Nya sa akin ang gabay ng Kanyang salita sa Matthew 6: 33, But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. After attending the said retreat nagpatuloy akong umattend sa mag dgroup at Singles night. Sumasama ako sa mga activities at attending church every Sunday. Alam kong sa tulong lang ni God kaya ko makakayanang talikuran ang mga bad habits ko. Hindi ko rin pinababayaan ang regular personal devotion ko sa Kanya.

Unti unti nabago na ang buhay ko. I am proud to be single, joyful sa relationship kay God at sa Christian friends ko. Naiiwasan ko na rin ang pagsama sa mga maling Gawain at nasasabi sa mga friends na “oops dina ako pwede dyan, I am a follower of Jesus Christ”. Di na ako nahihiya na malaman ng iba na may personal relationship na ako kay God. Sa tulong din ni Lord, naitigil ko na ang addiction ko sa computer games.
Iba ang joy kapag ginagawa ko ang mga bagay ng nakalulugod kay God compare sa short na happiness na nararamdaman ko sa mga worldly things.

Dumadating pa din ang mga pagsubok, temptations at loneliness, minsan sumasablay pa rin ako. Pero di na ako bibitiw kay God dahil alam kong He has set me free and I am enjoying my freedom.

Galatians 2:20
I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me.

I’m Rollan Gumapos.
To God be the glory.

Monday, August 3, 2009

My Lovestory

This time I would like to share my lovestory. I will share with you my past love stories and how God work and change my life. Masarap kapag love ang pinag-uusapan nakakakilig at exciting at nakikinig ang lahat. Minsan tinatanong ako ng mga friends ko "kamusta na lovelife ko", sabi ko "ok lang, walang girlfriend". Hindi sila naniniwala, kasi nakilala nila ako na lagi akong may lovelife. May nagtatanong nga if nakailan na akong girlfriend, hindi ko na sasabihin if ilan,basta maraming serious and fling relationship. Chickboy nga daw ako sabi nila at malapit talaga sa mga girls (sarap kasi nilang maging kaibigan). Ako iyong taong mapagmahal or madaling ma-inlove - elementary pa lang ay nagkagirlfriend na ako, highschool at college. Masarap kasing magmahal at may nagmamahal sayo, yan ang view ko dati, pasaway ako kahit bawal go pa rin. Dala na din ng peer pressure at puso ang laging sinusunod. Ang pinaka-worst na love story ko is when I was in college, seaman kasi kaya dapat maraming girls. I had 3 girlfriends and sometimes - dalawa pa sila at the same time, may iba sa ibang university at meron sa bulacan. I am proud kapag ganun na maraming girls, pero God made me realized na mali iyon. Nagising ako sa katotohanan. Iyong last two relationship ko was memorable kasi iyon iyong time na i-share the gospel to them at inaya ko sila umattend ng bible study or sunday worship, pero they didn't accept Jesus Christ and never attend worship, so kahit mahirap, kahit may 1 year na iyong relationship I had to end it. Tigil na ang communication.

I know, that I don't have to experienced all the pain and hurts, pero matigas ang ulo ko I wanted to learned from experienced. Thank God, kahit na masakit ay tinulungan Niya akong matuto sa dapat kong matutunan. I know that I've sinned against God, physically and spiritually nagkamali ako. I am not proud na nagkaroon ako ng maraming girlfriends, kasi madami akong nasayang na oras, pera, effort, emotions na sana inilaan ko sa Diyos, pamilya.... I know, that when I was in a wrong relationship nasaktan ko si God at naapektohan ang relationship ko with Him and iyong pag serve ko sa Kanya.

But God is good, He never allowed me na magcontinue pa ako sa ganoong situation. His teaching me to obey Him sa tamang relationship, He is molding me and transforming me to be the best guy for His best girl to me. Today, my lovelife is joyful kahit zero sya, kasi alam ko si God na bahala at 1 year na wala akong girlfriend at kaya ko na because of God's grace. I pray to God that my next girlfriend will be the one that I will spend my whole life. (Pray for me also, that I will be patiently wait for her...that I will not enter into a relationship that is not God's will.)

I'm no longer Olan the chickboy, but Olan the man who is waiting for her God's best.

2 Corinthians 5:17
Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!

Friday, July 24, 2009

Dating....


Joshua Harris wrote a book entitled “I kissed dating Goodbye” that some of my friends encourage me to read. Though I knew the book is good and nice still I didn’t read it – kasi tamad akong magbasa at walang kahilig hilig sa mga libro. Pero nabago ito, masarap pala na magbasa ng libro lalo kapag about singleness and kay God. This book is really good, beautiful, bagay sa mga single men and women out there. Maraming examples dito ng love story na mali pero na correct and importantly iyong word ni God about relationships.

I really thank God for using this book to correct my view about dating and relationship. Naaalala ko dati mahilig ako makipag-date lalo kapag sexy at cute, kahit katext ko lang or ka- chat at marami pang iba. Pero noong nabasa ko itong book na ito, narealize ko na hindi pala sya dapat ganun. I realized that I wasted my time and money for a short happiness or relationship with a woman. Kala ko dati di complete kapag walang girlfriend or ka-date, pero mali pala iyon. Sa panahon ngayon madaming kabataan na akala na it's ok or right na makipagdate dahil mga single sila etc. but this book tell about dating is....
1. dating skip the friendship stage of relationship
2. Dating often mistake a physical relationship for love
3. Dating often mistake of couple from vital relationship
4. dating can distract young adults from their primary responsibilities of preparing the future.
5. dating can cause discontentment with Godly gift of singleness
6. Dating can create an artificial environment for evaluating another person's character.
7. Dating often become an end in itself.

Lahat ng nakasulat dito ay tama, na maraming single men and women ngaun ay nakikipagrelasyon without responsibilities o commitment - pang enjoy lang. Being a christian single, dapat we have uniqueness ibang way dapat, we should make a difference in the world to glorify God even in having a relationship we can glorify God sabi nga sa book na ito -
1. Every relationship is an opportunity to model Christ-like character.
2. My unmarried years is a gift from God.
3. I don't need to pursue a romantic relationship before I am ready for marriage.
4. I cannot own someone outside of marriage.
5. I will avoid situation that could compromise the purity of my body or mind.

Dati naaalala ko kapag mag gigirlfriend ako una kong tinatanong or kapag may kilala ako ay marunong ka bang magluto or maglaba? may alam ka ba sa gawaing bahay pag hindi sagot dapat mag-aral ka. If you want a romantic relationship may step dito.

1. casual friendship
2. deeper friendship
3. courtship
4. engagement

at if you want naman mahanap iyong God's best mo or magustuhan ka ng God's best mo ay ito...

1. Practice intimacy (especially having intimate relationship with God)
2. Financial responsibility
3. Practice Parenthood
4. Practice lifestyle skills

I was really amaze how God gave Joshua harris to wrote this book. May line sya sinabi na nagustuhan ko sabi nya "mas magugustuhan nya or mas excited sya na umabot ng 40yrs ang wife nya kasi mas maganda ito or mag naggrow ito. Hindi physical ang tinitingnan nya. In his book I learned a lot and I make my own abbreviation of how we singles will glorify God - PLS
Purity
Love of God
Selflessness

Patience
Lifestyle worshipping God
Serve God


Song of Solomon 2:7
Daughters of Jerusalem, I charge you by the gazelles and by the does of the field: Do not arouse or awaken love until it so desires.

1 Corinthians 13:3-5

3If I give all I possess to the poor and surrender my body to the flames,[a] but have not love, I gain nothing.

4Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.

Pakiabangan ang next ko na babasahin na book "boy meets girl" at gagawan ko din ito ng blog. my next blog is coming soon "My lovestory" dito makikilala nyo ako at about my lofe life then next blog is Farmtown. Thanks for reading

Let us give the pen to God to write our lovestory....

Sunday, July 5, 2009

DOTA


Dota is a computer Lan game made by warcraft also known as Frozen Dota allstar and have many version, classes game here in DOTA. Maganda siya laruin, maganda ang graphics, its very popular at madami naglalaro nito. Para sakin enjoy at pantanggal ng stress. I started playing DOTA when I’m in college, (tagal na no?). Noong matuto akong maglaro, ang nasa isip ko kapag maglalaro ako dapat laging panalo kaya naman lagi akong nagprapractice para gumaling, maging sikat at bida. Sa dota matutuwa ka kapag narinig mo iyong “first blood triple kill” at “unstoppable”, ibig sabihin malakas ka. My first character I knew or used was Zeus at Razor kasi pam beginner at malakas talaga. I had so many friends that I met and bonded through this game. Little did I noticed that, dito na napupunta iyong time and money ko dahil lagi na lang akong naglalaro lalo kapag natatalo, dapat magpractice ng magpractice para makabawi at manalo. Ang game na ito pwede maglaban ang 5 players vs. 5 players,. I have a favorite hero or friends, viper, venomancer at anubarak sila lagi kong pinipili dahil malakas sila. Sila ang lagi kong nakakasama kapag naglalaro ako ng dota at dun ko sobra na uubos ang aking oras.

Hindi lang pala ako ang nahilig dito. Nakita ko ang isang computer shop na malapit sa university na pinapasukan ko, may 200 units ng computer at haloS lahat dota ang nilalaro nila. Marami pang computer shop ang katabi nito, kaya nga ang tawag sa course ng mga students na naglalaro ng dota ay BS-DOTA, mga students na hindi pumapasok or nagka- cutting classes dahil sa dota. May mga students na naglalaro ng halos 8hrs. By God’s grace, nakatapos pa rin ako ng college at hindi Niya hinayaan na hindi ako makatapos sa aking pag-aaral. Ngunit sa paglalaro ko ng dota, it affects my relationship with God and my priorities. I gave more time in playing dota rather giving my time to God, family, school and others, I spent money in dota instead of saving it. But God is amazing, God made me realized na mali na iyong tinatahak kong landas, na mali na iyong ginagawa kong laro, na dapat ay nasa tamang oras ang aking paglalaro. God helped me na maiwasan at ma-control ang aking paglalaro ng dota.


God transforming me to be a kind of person He wants me to be and amazingly, He used me in His big work. I was given a privilege to be one of the breakout leaders in the just concluded singles retreat. I learned a lot of lies that I believe in and the truth that will set me free from these lies. I enjoyed the beautiful place and delicious foods. Hindi lang ako ang natuto at nag enjoy, God also spoke to my break-out group. God change their views in life, now they wanting to really know the truth. I am happy seeing them na nag-continue seeking Jesus, na until now complete pa rin kami. Continue pa rin ang bonding, worshiping God and studying His word. I am excited how God will transform us to be a man after His own heart. And isa pang nakapagbond sa amin is that – parepareho kami na mahilig sa dota.


Dahil parepareho kami na naglalaro ng dota, one time nag-usap kami na maglaro nito. Super enjoy dahil kami ang magkakakampi, pero hindi namin namalayan na sumobra na kami sa oras ng paglalaro nito. Inabot kami ng 12am sa paglalaro ng dota. Pag-uwi ko sa bahay sarado na ang pinto at tulog na sila, kaya napagalitan ako sa pag-uwi ko ng hating gabi. I acknowledge na mali ako dun, I confessed my sin to God. I should be an example to them, kasi ako iyong leader nila sa retreat and I am accountable to God for entrusting them to me. Thank God, kasi pina-realized Niya agad iyong mali kong ginawa, dapat nasa tamang oras at hindi sobra sobra iyong oras ng paglalaro ng dota. And God helped me to make some changes and be firm dun sa gusto Niyang ipagawa sa akin. For those na naglalaro ng dota, we should make it a point na tama iyong priorities natin in spending our time and money. Lahat ng sobra ay hindi tama, we should know our number 1 priority - God (pray, read the Bible, worship Him).

Psalm 90:10

The length of our days is seventy years— or eighty, if we have the strength; yet their span is but trouble and sorrow, for they quickly pass, and we fly away.

We never know how many years we will be here on earth – so let us spend our time wisely.

Psalm 90:12

Teach us to number our days aright, that we may gain a heart of wisdom.

Isang grupo ng kabataan ang naglalaro ng dota na nag-isip nito.

Disciples

Of

The

Almighty God